29 November, 2013
20 November, 2013
Pambansang Iskolar
Bilang isang iskolar, private scholar lang at di government, di maiiwasan ang pressure sa grades at studies kung mami-maintain ba.
Pero super bilib ako ni ateh, iskolar ng gobyerno pero 3 days a week lang pumapasok. Ang galing nya naman gumawa ng sariling sched. Ito pa, ang galing ng radar nya, kapag absent sya, walang exam na magaganap, pero pag present sya sa klase ng mahal na Ginang, ang daming outputs na gagawin. Siya na talaga ang may pinakamagandang radar sa balat ng Earth.
Ang bahay ay medyo kalayuan sa university. Palagi syang late. Sensitive kapag tatanungin. Sorry teh? Kasalanan namin? Lumipat ka kaya sa dorm or boarding house na malapit sa university. Iskolar pa naman, di mauubos ang allowance mong tumataginting na 10K sa residency.
Submission of projects. Di naman sya nahiya ng ipinasa nya ang project ng super late. Di ka unfair teh, promise. Tinanggap naman ng aming konsentidor na instructor. Talagang napikon much ako.
Super efforts kami sa project, pero project nya, kahit kaluluwa man lang wala kang makita. Tapos pareho tayo ng grade? What the fuck teh?
Iskolar pa naman. Magbago na teh?
PS. di ako galit. Slight lang. *Peace
Subscribe to:
Posts (Atom)